Damag (part. SHORTONE)

Sunkissed Lola

    Continúa después del anuncio

    habang malalim ang gabi
    ating sulitin na ang bawat sandali
    dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin
    patungo sa akin

    'di mo ba gustong ako'y nagsusumamo
    para kang bugtong, palagi kang malabo
    'di mapakali, damdamin ay kabado
    ikaw na ang sanhi, ikaw pa rin ang puno't dulo

    ba't 'di ba pwedeng pagbigyan ang nararamdaman?
    manatili munang magkatabi
    hanggang umaga lang

    Continúa después del anuncio

    makasama habang malalim ang gabi (hahawakan, magdamagan)
    ating sulitin na ang bawat sandali (sasamahan ka, mahal)
    dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin (hahawakan, magdamagan)
    patungo sa akin (sasamahan ka)

    napahiling at napasabi na lang
    na baka sakaling mapasakin ka nga
    pumikit, humingang malalim
    humikbi pasimple sa hangin, halika, halika
    iniisip kung aanhin ko pa ang
    dinadala kong pagmamahal
    kung 'di naman ikaw ang tatanggap
    tingnan mo mata ko babakat
    na 'di lamang ako nagpapanggap
    nag-aalala ka kung tatagal
    eh, araw-araw nga kitang minahal
    magandang simula ang ilang salita
    pasalamat pa nga't nakausap kita
    sang-ayon man o hindi ating paligid
    sasalubungin ko ang iyong tinig
    sasaludo sa'yo aking pag-ibig, aking pag-ibig
    papel ko sa'yo ay sulatan mo lamang
    sana mapunan mo na ang blangko
    ako ang pader kung gusto ng sandalan
    sa mga laban na hinaharap mo
    sabay tayo na matututo
    alamin lang natin ang panuto
    paghirapan kahit magkulang ang tulog
    handa kong manatili kaya

    pwedeng pagbigyan
    ang nararamdaman, mm-mm-mm (nararamdaman)
    sa'kin ay tumabi
    hanggang umaga lang (hanggang umaga lang)

    mahagkan ka habang malalim ang gabi (hahawakan, magdamagan)
    ating sulitin na ang bawat sandali (sasamahan ka, mahal)
    dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin
    tungo sa akin (samahan ka)

    makasama hanggang umaga (hahawakan)
    'di mo kailangang mag-atubili (magdamagan)
    dito ka sa aking tabi (sasamahan ka, mahal)
    mahagkan ka hanggang umaga (hahawakan)
    'di mo kailangang mag-atubili (magdamagan)
    dito ka sa aking tabi (sasamahan ka)

    Información de la canción

    Composición: SunKissed Lola y Shortone

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión