Continues after the ad

Laki ako sa baryo, ako'y sadyang promdi
Promdi probins at hindi nga prom da city
Sanay sa simple at mabagal na buhay
Magalang ang lalaki, marunong magsilbi

Takot ako sa buhay sa Maynila
Hilo ang ulo ko para akong trumpo

Ingat sa pagtawid sa kalsada
Jeepne't taxi ay humaharurot
Ingat sa pagbaba baka mahulog
Pati pitaka ninyo'y madukot

Iba't ibang lalaki ang NASA city
May playboy na pogi pero lima-limang steady
May makisig at seksi sayang may ses-mi
May gurang at parang lolo, chedeng pa'ng kotse

Takot ako sa buhay sa Maynila
Hilo ang ulo ko para akong trumpo

Continues after the ad

Doon sa disco ay may nakilala
Galing pumorma tamis pa ng dila
Ang akala ko ay binata
Kasama niya pala ang sugar mommy niya

Ako'y babalik na
Sa aking mahal na probinsya
Hindi na baleng
Tawaging babaeng promdi

'Di ipagpapalit buhay promdi
Mga tao'y simple living pero happy
Ang lalaking promdi ay sarap umibig
Maski walang atik hindi siya plastik

Laki ako sa baryo, ako'y sadyang promdi
Promdi probins at hindi nga prom da city
Sanay sa simple at mabagal na buhay
Magalang ang lalaki, marunong magsilbi

Takot ako sa buhay sa Maynila
Hilo ang ulo ko para akong trumpo

Ingat sa pagtawid sa kalsada
Jeepne't taxi ay humaharurot
Ingat sa pagbaba baka mahulog
Pati pitaka ninyo'y madukot

Ako'y babalik na
Sa aking mahal na probinsya
Hindi na baleng
Tawaging babaeng promdi

Ako'y babalik na
Sa aking mahal na probinsya
Hindi na baleng
Tawaging babaeng promdi

'Di ipagpapalit buhay promdi
Mga tao'y simple living pero happy
Ang lalaking promdi ay sarap umibig
Maski walang atik hindi siya plastik

Song details

Composition: Jose Mari Chan and Tessie Tomas

Did you see an error?

Send us your revision