Continúa después del anuncio

    Mapapansin mo ba kaya ang tulad ko?
    Kahit NASA sulok lang ng iyong mga mata
    Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa'yo
    Kahit na hindi naman ako ang iyong kaharap, oh, chinito

    Balang araw ay malalaman mo rin

    At kung ikaw ay nakatawa
    Ako pa ba ay nakikita?
    Nalilimutan ko ang itsura ko
    Kapag kausap na ikaw
    Sana naman ako'y pakinggan
    At nang ikaw ay malinawan
    Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
    Oh, chinito
    Chinito

    Continúa después del anuncio

    Kung hindi inaantok
    Kung hindi nasisilaw
    Pwede bang malaman ko
    May pag-asa pa kayang natatanaw
    Bakit ba ang pungay ng bintana ng iyong mundo?
    Isang ngiti mo lang sa'kin
    Ay baon ko hanggang sa pag-uwi
    Oh, chinito

    Balang araw ay malalaman mo rin

    At kung ikaw ay nakatawa
    Ako pa ba ay nakikita?
    Nalilimutan ko ang itsura ko
    Kapag kausap na ikaw
    Sana naman ako'y pakinggan
    At nang ikaw ay malinawan
    Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
    Oh, chinito
    Chinito

    Sana naman ako'y pakinggan
    At nang ikaw ay malinawan
    Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
    Ah, sige tawa lang nang tawa
    Ako pa ba ay nakikita?
    Nalilimutan ko ang itsura ko
    Kapag kausap na ikaw
    Sana naman ako'y pakinggan
    At nang ikaw ay malinawan
    Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
    Oh, chinito
    Chinito

    Información de la canción

    Composición: Jed Dumawal

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión