agaw-dilim

Zild

    Continúa después del anuncio

    Palayong tumatakbo
    Hahabulin ang araw
    Malaya ka nang sumigaw
    Pagdating mo sa dulo
    Huminga nang malalim
    Malaya ka nang sumayaw

    Ibon lang ang nag-abang
    Maaaring matapos na
    Ang ating mga nararamdaman
    Unti-unting
    Gumuguho
    Ang nag-iisang mundo
    Lahat ng buhay naglalaho
    Umiikot
    Lumalabo
    Nag-iisang katawan
    Malayo ang mapupuntahan

    Continúa después del anuncio

    Luha ang inalmusal
    Walang nagbabago
    Pasan ko pa rin ang lungkot
    Dumudugo at kumukulo
    Ang aking kaluluwa
    Ramdam ko pa rin ang lungkot
    Inaabot
    Ang kalangitan
    Hagkan ang katapusan
    Kakalimutan ang lahat
    Itataas
    Mga kamay
    At aking ihuhubad
    Ang tunay na pagkatao ko

    Agaw-dilim nagsisilbing libing
    Agaw-dilim nagsisilbing libing
    Agaw-dilim nagsisilbing libing
    Agaw-dilim nagsisilbing libing

    Información de la canción

    Composición: Zild

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión

    Canciones relacionadas