Hele

Zild

    Continúa después del anuncio

    tulog na, aking mahal
    hayaan mong tumulo ang luha mo
    walang makakaalam
    unan lang ang pipintas sa’yo
    pakawalan mo na
    ang naiipong galit at poot
    hindi makakahinga
    kapag nilihim ang nadarama

    at kukumutan
    ang kalungkutan
    dito sa duyan
    langit ang kaibigan mo
    ‘di kailangang magtago

    Continúa después del anuncio

    kasama mong mga bituin
    sa bawat luhang inilalabas
    hindi ka nag-iisa
    langit ang hehele sa iyo
    mahal o tandaan
    kahit ‘di malaman ang dahilan
    hawakan aking kamay
    kahit na wala ako riyan

    makakatulog
    ka nang payapa
    dito sa duyan
    tulog na nang mahimbing
    bukas mo na harapin

    Información de la canción

    Composición: Zild

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión