Huminga

Zild

Continues after the ad

Sa mundong walang katahimikan
Nagtatanong kung bakit nawala ang paghinto
Palaging bukas ang mata

Ang tao raw, lahat ay may hangganan
Madalang na tumingin sa kawalan at magtanong
Kung bakit ginagawa

Magpahinga ka na, sinta, huwag matakot
Maramdaman mo ang sariling lungkot

Huminga (ka)
Huminga (ka)

Continues after the ad

Bakit ba kailangang mahirapan?
Walang alam, 'di maintindihan ang kwento ng
Tadhana sa buhay na 'to

Sino ba'ng may kayang manindigan?
Kailan ba mapapansin lahat at matanto
Ang mahalaga ay ang ngayon?

Magpahinga ka na, sinta, huwag matakot
Maramdaman mo ang sariling lungkot

Huminga (ka)
Huminga (ka)

Laman at buto, naramdaman ko
Ngayo'y tatakbo pabalik sa 'yo
Laman at buto, naramdaman ko
Ngayo'y tatakbo pabalik sa 'yo

Magpahinga ka na, sinta, huwag matakot
Maramdaman mo ang sariling lungkot

Huminga (ka)
Huminga (ka)
Huminga (ka)
Huminga ka

Song details

Composition: Zild

Did you see an error?

Submit review