Iiwanan ng lahat

Zild

    Continúa después del anuncio

    Nasaan na ba kayo?
    Mag-isang tumatakbo
    Kay tagal ‘di nagkita
    Puso niyong nawawala
    Sino ba naman ako
    Para balikan ninyo?
    Kaibigang nawala
    Dahan-dahang umalsa

    Bakit kaya
    Ayaw ng lahat sa’kin?
    Ramdam ko na
    Ako’y iiwanan ng lahat

    Dapat ko bang tanggapin
    Mag-isang ililibing?
    Kahit may dalang bituin
    ‘Di ka niyan papansinin
    Sabi ng kalangitan
    Habang-buhay kang ganiyan
    Iiwanan ka nila
    Kahit na maayos ka

    Continúa después del anuncio

    Bakit kaya
    Ayaw ng lahat sa’kin?
    Ramdam ko na
    Ako’y iiwanan ng lahat

    ('Tinataboy ka na nila)
    (Wala ka nang makapitan)
    ('Tinataboy ka na nila)
    (Wala ka nang makapitan)

    Ang dami kong gustong itanong
    Ang dami kong gustong sabihin
    Pero 'di ko masabi, 'di ko masabi sa inyo
    Parang ang layo-layo niyo na
    'Di ko kayo maintindihan
    Lalong lalo, 'di niyo 'ko naiintindihan
    Paalam

    Información de la canción

    Composición: Zild

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión