Cifra Club

Magpahinga

Ben&Ben

Letra: Original
Selo Cifra Club: esta cifra foi revisada para atender aos critérios oficiais da nossa Equipe de Qualidade.

kulang pa yata ang bente-kwatrong oras sa'kin
sa mga problema kong mas marami pa sa mga bituin
ayoko namang magpatalo, pero
ba't parang ubos na ubos na ako?
ang sabi mo

dito ka lang sa'kin, magpahinga muna
lalabanan din mga dambuhalang
'di maubos na problema
malapit na, pero 'di rin kasalanang
magpahinga

kulang pa yata ang sandaang taon, ba't nakakulong pa rin?
'di ko na ba maaabutan lahat ng mga gusto kong gawin?
ayoko namang magpatalo, pero
ba't parang ubos na ubos na ako?
ang sabi mo

dito ka lang sa'kin, magpahinga muna
lalabanan din mga dambuhalang
'di maubos na problema
malapit na, pero 'di rin kasalanang
magpahinga

magpahinga ka lang muna
'wag nang pigilan ang luha

dito ka lang sa'kin, magpahinga muna
lalabanan din mga dambuhalang
mga pasanin lapag mo lang muna
kakayanin din, kumapit ka, sinta
matatapos ang problema
malapit na, pero 'di rin kasalanang
magpahinga

Otros videos de esta canción
    9 visualizaciones

    Afinación de los acordes

    Afinador en línea

    Ops (: Contenido disponible solo en portugués.
    OK