Parang 'di niya 'ata pansin
Ang pancit sa kanyang labi
Ang araw ay sumasayaw
Sa mga mala-rosas niyang mga pisngi
Mga munti kong pagtingin
Oh, sana'y 'di niya napapansin
Naninikip aking dibdib
Kanina pa ako kinikilig, hm-mm
Mamang pulis, siya'y hulihin
Sa pagnakaw ng mga-a-a-a-a sandali
Mga munti niyang pagtingin
Akala niya'y 'di ko napansin
Lalapit ba? Nakakakabang
Mahiwagang tagpuan
Ano kaya ang 'yong pangalan?
'Di niya pansin ang pancit sa kanyang bibig
'Di niya napansin ('Di niya)
Na aking napansin
Ang pancit (Ang pancit)
Sa kanyang bibig