Alalahanin
Ang mga pangako
Na aalagaan kita
‘Di ko babawiin
Ang iyong binilin
Anak, ayokong mapag-isa
Kung maglaho ang
Mga alaala
Hindi kita ipapahiya
Alalahanin
Ang iyong hangarin
Na hindi ako bibitaw
At mananatiling
Nakakapit sa’tin
Hindi ko sasayangin ito
Dadalhin ang ating
Mga pinangarap
Mapapagmalaki na kita
‘Pag nanghina ang iyong katawan
Aalayan ka sa bawat hakbang
Kung paulit-ulit man magtanong
Sasabihin ang sagot pabulong
Alalahanin
Ang pinag-usapan
Na tibayan aking loob
‘Di kakalimutan
Ang iyong sinabi
Anak, ayokong mauna ka
Sa kinabukasan
May panghahawakan
Hindi ka mababalewala
‘Pag nanghina ang iyong katawan
Aalayan ka sa bawat hakbang
Kung paulit-ulit man magtanong
Sasabihin ang sagot pabulong
At pagsapit ng iyong pagtanda
Gagawan kita ng bahay mo na
Dati mo pa na ipinagdarasal
Habang-buhay kang ipaparangal
Kahit saan
Hindi kita iiwan
Walang makakapantay sa ’yong mga binigay