Tahan muna
Malayo pa
Ang iyong pupuntahan
Kahit akala mo
Ay papalapit
Sa isang saglit
Ika'y mawawala
Ika'y malilito
At ang lahat ng landas mo'y
Biglang magbabágo
Minsan nama'y
Sa tingin mo
Malayo na'ng naabot mo
Nahanap mong
Lumisan at limutin
Ang bawat pinagdaanan
Ngunit sa wari mo
Ay 'di ka rin napalayo
Sa iyong pinanggalingan
Isipin mo
Na naririto tayo
Upang maging tayo
'Dí ka mawawala
Ikaw ang simula
At ikaw ang patutunguhan
Hanapin ang sarili
Sa bawat sandali