Cifra Club

Asymptotic

Fukase Vocaloid

Aún no tenemos los acordes de esta canción.

Sa tuwing ako'y tumitingin sa iyong mga mata
Umaasa na sana ako'y nakikita
Ngunit parang malayo ang tanaw
Malayo pa sa sinag ng araw
Dalangin ko na kahit minsan
Puso ko'y pakinggan

Kahit na anong aking lapit, hindi kayang abutin
May pag-asa pa bang magtagpo ang mga landas natin?

Ika'y isang bituin sa langit na nagniningning
Malapit man sa aking paningin, ba't kay hirap abutin?
Gaano man kalayo ang landas na 'king tatahakin
Kailan pa ma'y ang puso mo'y sadyang hindi mararating

Ooh, ooh
Woah-oh-oh-oh, woah
Ooh, ooh
Woah-oh-oh-oh, woah

Sa bawat oras na ako ay NASA piling mo
Nananalig na iyong dinggin ang hiling nitong puso
Ngunit parang malabo yata
'Di nakikita ng iyong mga mata
O kahit pa naririnig man lang
Ang awit ng pagsinta

Kahit na anong aking lapit, hindi kayang abutin
May pag-asa pa bang magtagpo ang mga landas natin?

Ika'y isang bituin sa langit na nagniningning
Malapit man sa aking paningin, ba't kay hirap abutin?
Gaano man kalayo ang landas na 'king tatahakin
Kailan pa ma'y ang puso mo'y sadyang hindi mararating

Ooh, ooh
Woah-oh-oh-oh, woah
Ooh, ooh
Woah-oh-oh-oh, woah

Pilit mang paglapitin ang agwat natin
Pilit mang habulin at pilit mang abutin
Ipagsigawan, nag-aalab na damdamin
Kailanman ikaw ay 'di magiging akin!

Otros videos de esta canción
    0 visualizaciones

    Afinación de los acordes

    Afinador en línea

    Ops (: Contenido disponible solo en portugués.
    OK