Cifra Club

Bandaid (remix) (feat. Johnoy Danao)

Moira Dela Torre

Aún no tenemos los acordes de esta canción.

Alas-kwatro pa ng umaga, dito pa rin, tulala
Nalulunod lang sa alaala, pero wala namang magawa
Kahit ipikit mga mata, memoryado pa rin ang iyong mukha
Nung sabi mo sa'kin: 'Di na uulitin at 'di mo naman sinasadya

'Di ko alam ang gagawin, kahit ano pa ang sabihin
'Di mo naman naririnig, parang ang layo mo na rin
Nandito ka nga sa'king tabi, pero nakaguhit ang ngiti
Ang sugat ba'y gumagaling
O natututo lang ba tayong magkunwari?

Kung isa na lang ang lumalaban
Madadama sa bawat hagkan
May hangganan ang pagpapatawad
Kung paulit-ulit na lang
At sa pagmulat ng iyong mata
May kasama ka sa pagbubura
Sa sugat ng ala-ala, may iiyakan ka
Hanggang matuyo ang 'yong luha

'Di ko alam ang gagawin, kahit ano pa ang sabihin
'Di mo naman naririnig, parang ang layo mo na rin
Nandito ka nga sa'king tabi, pero nakaguhit ang ngiti
Ang sugat ba'y gumagaling
O natututo lang ba tayong magkunwari?

'Di ko alam kung pa'no makakausad dito?
'Pag tumingin pa sa malayo, para bang gustong maglaho
Ikakasama ko pa ba kung gusto ulit magsimula
Nawawalan na ng pag-asa, kasalanan bang lumaya?
'Di man alam kung pano makakausad dito
Tatakbo tayong malayo hanggang bawat sugat maglaho
Iwanan na ang 'yong pangangamba
'Di ka na mag-iisa
'Di na mag-iisa

'Di ko alam ang gagawin, kahit ano pa ang sabihin
'Di mo naman naririnig, parang ang layo mo na rin
Nandito ka nga sa'king tabi, pero nakaguhit ang ngiti
Ang sugat ba'y gumagaling
O natututo lang ba tayong magkunwari?

Otros videos de esta canción
    0 visualizaciones

    Afinación de los acordes

    Afinador en línea

    Ops (: Contenido disponible solo en portugués.
    OK